GTK, Gomez sa PSA Forum

MANILA, Philippines - Sina sports commisisoner Jolly Gomez at PATAFA president Go Teng Kok ang mga panauhin ngayon sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s UN Ave.

Tatalakayin ni Gomez ang mga detalye sa pagdaraos ng 2011 Batang Pinoy, habang inaasahang maghahayag si Go ng major announcement sa public sports program na live na napapakinggan sa DZSR Sports Radio 918 at presinta ng Smart, Pagcor, Outlast Battery at Shakey’s.

Ang iba pang panauhin sa forum na magsisimula ng alas-10:30 ng umaga ay sina AirAsia chief executive officer Maan Hontiveros at Jacque Ruby para himayin ang iba’t ibang basketball at New Balance assistant brand manager Ana Alfelor at 100Plus brand manager Eric Beja.

Show comments