Poblacion Pardo, Brgy. Pulpogan wagi sa Cebu leg

MANILA, Philippines - Kapwa kumana ng panalo ang 2010 runner-up STI Colleges at Centro Escolar University sa kani-kanilang kalaban upang manatiling buhay ang tsansa sa NAASCU men's basketball tournament sa Makati Coliseum sa Makati.

Hiniya ng Olympians ang Informatics International Colleges, 67-53, habang giniba ng Scorpions ang AMA Computer University, 79-60 sa 10-team, double tournament na inorganisa ni NAASCU president Dr. Ernesto 'Jay' Adalem ng host school St. Clare College-Caloocan.

May 11-2 rekord nga­yon ang Olympians at naagaw nila ang solong ikalawang puwesto sa likod ng nagdedepensang University of Manila na may ‘twice-to-beat’ advantage sa cross-over semifinals.

Haharapin ng STI ang UM sa Lunes sa kanilang huling laro sa elimination.

Tinapos ng Scorpions ni coach Mon Jose ang elimination round sa 10-4.

Show comments