^

PSN Palaro

No. 2 slot sa semis inupuan ng Letran; 13th dikit naman sa Baste

-

MANILA, Philippines - Uminit ang laro ni Kevin Alas sa ikatlong yugto para pangunahan ang Letran sa 88-74 panalo sa Lyceum sa pagpapatuloy ng 87th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos si Alas taglay ang career high na 29 puntos bukod pa sa 11 assists at 10 puntos ang kanyang ginawa sa ikatlong yugto para bigyan ang Knights ng 64-54 kalamangan papa­sok sa huling yugto.

Ito ang ikapitong sunod na panalo ng Knights tungo sa pumapangalawang 11-2 baraha upang maselyuhan na rin ang ikalawang puwesto sa Final Four.

Tinalo ng San Sebastian ang College of St. Benilde sa ikalawang laro sa 86-70 iskor at dahil dito, ang Pirates at Blazers ay nalaglag sa 5-8 karta at sam­pung panalo lamang ang magiging best finish ng dalawang ito saka­ling walisin ang natitirang limang laro.

 “Nawala kami sa semifinals last year after seven years at sinabi ko sa mga players na dapat ay makapasok kami ngayon sa Final Four. Dalawang linggo lamang kami nag-break at nagsimula na agad ng pag­hahanda. Kaya masaya ako at nasa Final Four na uli ang Letran,” wika ni coach Louie Alas.

Si Franz Dysam at Jam Cortes ay may tig-11 puntos habang ang starting center na si Raymund Almazan ay humablot ng 14 rebounds at may 2 blocks upang isama sa 6 puntos.

Nalaglag sa ikatlong su­nod na kabiguan ang Pi­rates na hindi na nagamit ang serbisyo ni Allan Santos matapos suspindihin ng paaralan hanggang matapos ang season na ito bilang disciplinary action.

Nangalabaw naman si Calvin Abueva tungo sa 27 puntos, 20 rebounds at 6 assists para pangunahan ang Stags sa tagumpay.

May 20 puntos at 11 boards si Ian Sangalang upang tulungan ang Stags na hawakan ang 60-3 bentahe sa rebounding. (AT)

Letran 88 – Alas 29, Dy­sam 11, Cortes 11, Cruz 8, Kristoffer Alas 8, Almazan 6, Belorio 5, Racal 4, Espiritu 3, Pantin 2, Lituania 1, Mendoza 0.

Lyceum 74- Laude 14, Mallari 13, Guevarra 12, Francisco 10, Cayabyab 9, Ko 7, Napiza 6, Lacap 3, Lesmores 0, Azores 0.

Quarterscores: 19-17, 41-37, 64-54, 88-4. 

vuukle comment

ALLAN SANTOS

CALVIN ABUEVA

COLLEGE OF ST. BENILDE

FINAL FOUR

IAN SANGALANG

JAM CORTES

KEVIN ALAS

KRISTOFFER ALAS

LETRAN

LOUIE ALAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with