Blazers, Generals magpapasolido sa No. 4 spot

MANILA, Philippines - Wakasan ang kampan­ya sa first round na palaban sa ikaapat na puwesto sa standings ang pakay nga­yon ng St. Benilde at Emilio Aguinaldo College na magtutuos sa 87th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Magkakasalo ang Ge­nerals, Blazers at Jose Rizal University sa 3-5 karta pero ang mananalo sa larong itinakda ganap na alas-2 ng hapon ay sa­salo sa pahingang Lyceum na nasa ikaapat na puwesto sa 4-5 baraha.

Inaasahang mangu­nguna sa Blazers si Carlo Lastimosa na nalimitahan lamang sa apat na puntos nang madapa ang ko­ponan sa Arellano sa huling laban, 60-64.

Ang Generals naman ay nabigo rin sa huling la­ban kontra sa Letran 67-76, at tiyak na kakamada rin ang tulad nina Jan Jamon at Joshua Torralba upang tumibay din ang paghaha­ngad na makapasok sa Final Four.

Ikalawang sunod na pa­nalo naman ang target ng Chiefs sa pagbangga sa host University of Perpetual Help System Dalta dakong alas-4.

May 2-6 karta ang tropa ni coach Leo Isaac at kaila­ngan nilang manalo para makaiwas na malaglag sa huling puwesto kung ma­tatalo sa Altas.

Kailangang pumukpok ang Chiefs dahil ang Altas kahit may 1-7 baraha ay pa­laban lalo nga’t walang pressure sila kung naglalaro bunga ng katotohanang nasa huling puwesto sila sa liga.

Galing ang Altas sa 63-65 kabiguan sa Mapua na senyales na kaya nilang makipagsabayan sa biga­ting koponan sa liga.

Show comments