^

PSN Palaro

Baste makikisalo uli sa liderato

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Pantayan uli ang karta ng pahingang San Beda ang pupuntiryahin ng San Sebastian sa pagbabalik aksyon ng 87th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Tiyak na masisilayan uli ang bangis ng tatlong kamador ng Stags na sina Calvin Abueva, Ian Sanga­lang at Ronald Pascual sa pagharap nila laban sa Emilio Aguinaldo College sa alas-2 ng hapon.

Mag-uunahan naman ang Jose Rizal University at St. Benilde sa paghahangad ng ikatlong tagumpay sa liga sa kanilang pagtutuos dakong alas-4 ng hapon.

Si Abueva ang num­ber one sa liga sa scoring sa 23 puntos, rebounding sa 12 boards at steals sa 5 kada laro habang 18 puntos at 2.2 assists naman si Pascua. 

May dalawang sunod na talo naman ang Generals na haharap sa larong ito at kai­langan nilang itaas ang antas ng paglalaro laban sa Stags dahil na rin sa katotohanang sila ay yumukod sa Mapua at San Beda taglay ang 29 puntos losing margin.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

IAN SANGA

JOSE RIZAL UNIVERSITY

RONALD PASCUAL

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SI ABUEVA

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with