^

PSN Palaro

Joseph inihabla ng child abuse

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Matapos ang mahabang pananahimik, nagsampa na ng kasong child abuse ang swimmer na napahiya nang lumahok sa 43rd Sabah Age Group Swimming Cham­pionships sa Kota, Kinabalu Sports Complex, Malaysia noong nakaraang taon.

 Si Paul Jerome Carpio ay dumulog kahapon sa Quezon City Prosecutor’s Office para sampahan ng kaso si Mark Joseph na pa­ngulo ng Philippine Aquatics Sports Association (PASA).

 Nagdesisyon si Carpio na anak ng assistant sports editor ng Phlippine Star, na dumulog na sa korte dahil sa masamang epekto dulot ng pangyayari nang sumailalim siya sa masusing imbestigasyon mula sa nagpalaro dala sa akusasyon ni Joseph na hindi sila karapat-dapat na kumatawan sa Pilipinas at ang kanilang mga pasaporte ay maaaring peke.

“I was deeply depressed that I cannot fully focus and concentrate on my studies to the extent of quitting in my schooling. I withdrew my circulation/communication with my friends and confined myself in my room crying and thinking all my frustrations and disappointments in the field of swimming my ultimate dream which was shattered into pieces because of the false and baseless allegations of Mark Joseph,” wika ni Carpio sa kanyang affidavit.

Base sa Article I Section 3(b) ng Republic Act 7610 ang Child Abuse ay maa­aring ipataw sa mga taong nagdulot ng psychological at physical abuse, cruelty, sexual abuse at emotio­nal maltreatment sa isang menor de edad. Puwede ring kasuhan ng ganito ang mga taong na naghayag ng mga salitang nakakasakit at nagpapababa sa dignidad ng isang bata.

Si Carpio ay nakasama sa grupo ng ASAP na pinamumunuan ni Susan Papa na kumukuwestiyon sa lide­rato ni Joseph sa PASA.

Nakarating ang delegasyon sa Kota, Kinabalu pero hindi nakalangoy nang magpadala ng electronic mail ang PASA chief at binanggit ang kawalan ng karapatan ng mga ito na katawanin ang Pilipinas.   

Sakaling mapatunayan na nilabag ang child abuse, si Joseph ay mapaparusa­han ng pagkakulong ng ilang taon.

vuukle comment

ARTICLE I SECTION

CARPIO

CHILD ABUSE

KINABALU SPORTS COMPLEX

KOTA

MARK JOSEPH

PHILIPPINE AQUATICS SPORTS ASSOCIATION

PHLIPPINE STAR

PILIPINAS

QUEZON CITY PROSECUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with