Pinoy riders mapapasabak sa Americans

MANILA, Philippines - Makakasabayan ng mga American motoracers ang mga Filipino motocross greats sa pamamahala ng Lanao del Norte sa second at fifth legs ng inaabangang World Motocross 2011 Series.

Ang SEL-J Sports, ang nangunguna para sa rehablitasyon ng motocross sa bansa, ang nag-organisa ng nasabing racing series kung saan ang mga elite motocross riders ng bansa ay makakasama sina Jake Locks at Dennis Stapleton, mga international superstars ng American Motocross Association (AMA).

Si SEL-J Sports president Jay Lacnit ang nagdala sa naturang dalawang American riders na nakita sa Las Vegas Super Cross 2011.

Bukod sa paglahok sa Enersel Forte Philippine National Motocross Series at sa World Motocross Series sa Lanao Del Norte sa Hunyo 25-26, magsa­sagawa rin sina Locks at Stapleton ng mga seminars sa freestyle events.

Pinuri naman ni KTM Asia Pacific president Sel Narayana ang ibinibigay na suporta ni Lacnit sa grassroots program at motocross sa bansa.

 

Show comments