San Diego 'di bumibitaw sa unahan

SUBIC , Philippines- Muling nagpa­kitang gilas si Marie Antoinette San Diego sa 2011 Asian Youth chess championships ng girls 12 years old and under division na ginanap sa Subic Bay Tra­ve­lers dito.

Matapos makuha ni Diego ang gold medal sa ASEAN Primary Schools Olympiad (APSSO) noong huling Nobyembre sa Jakarta, Indonesia, tinalo nito ang third seed na si Sagar Tejaswani ng India sa loob ng anim na round para sakmalin ang 5.5 puntos at patuloy na sumalo sa unahan sa prestihiyosong nine-round cempetition na ito.

Isa pang Pinay si Samantha Gio Revilla-- ay tumabla sa kalabang si Nilufar Yagubbayeva ng Uzbekistan at malagay sa pakikitabla mula 4th hanggang 7th places.

Samantala, nakopo naman ng top seed na si Jan Emmanuel Gracia ang 2nd place sa boys 16-under mataposmakipaghatian ng puntos kay Antonio Viani D’ Cunha ng India.

Show comments