^

PSN Palaro

NLEX, Cobra sumampa sa liderato

-

Manila, Philippines - Nagbaga agad ang laro ng NLEX upang maagang maiwanan ang Black Water Elite tungo sa 81-62 pa­nalo sa idinaos na PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Arellano Gym sa Legarda.

Umalagwa sa 21-9 start ang Road Warriors at hindi na binigyan pa ng puwang ang Elite na makaporma nang magpatuloy ang mabangis na paglalaro nina Eric Salamat, Rogermar Menor, Clifford Hodge at Calvin Abueva tungo sa pagsungkit ng nangungunang 4-1 karta sa Group A.

May 19 puntos, kasama ang 4 of 7 shooting sa tres si Salamat bukod sa 5 assists, 2 steals at 2 rebounds habang si Menor ay naghatid pa ng 17 puntos.

Ang 6’6 na si Hodge ay mayroong 13 points at 8 rebounds habang 12 puntos at 14 boards naman ang ibinigay ni Abueva para sa kumpletong dominasyon ng Road Warriors sa Elite.

Sumalo naman ang Co­bra Energy Drink sa lide­rato sa Group B nang malusutan ang naunang matikas na Café France, 74-67, sa unang laro.

Ang pambatong manlalaro ng Cobra na si Paul Lee ay nagtapos taglay ang 14 puntos, 11 rebounds at 5 assists habang 12 naman ang ibinigay pa ni Ken Acibar at ang Ironmen ay kasalo na ng pahingang Cebuana Lhuillier sa tuktok ng Group B sa 3-1 baraha. (ATAN)

Cobra Energy Drink 74--Sanga 17, Lee 14, Acibar 12, Baloran 10,Foronda 8, Hermosisima 7, Reyes 5, Eguilos 1, Mendoza 0.

Café France 67 -Rublico 20, Mabayo 12, Bulangis 11, Ponferada 6, Almario 5, Gallardo 4, Babad 2, Chua 2, Lobato 2, Magbitang 2, Banyas1, Garcia 0.

vuukle comment

ARELLANO GYM

BLACK WATER ELITE

CALVIN ABUEVA

CEBUANA LHUILLIER

CLIFFORD HODGE

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ERIC SALAMAT

GROUP A

GROUP B

ROAD WARRIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with