Patrombon umusad sa main draw sa F5 Futures netfest

MANILA, Philippines - Nakabawi agad si Je­son Patrombon sa panandaliang pagbaba ng laro sa second set upang kunin ang 6-2, 6-4, panalo laban kay Anthony Elwin ng India sa pagtatapos ng qualilfying round ng F5 Futures sa Chennai, India.

Binalewala ng 17-anyos na si Patrombon ang 3-4 pag­hahabol at 40-0 l a­mang ni Elwin sa eight game nang kakitaan siya ng pagtitiyaga para manalo sa laban.

Bunga nito, si Patrombon, na nasa kanyang ikatlong laro sa men’s circuit ay nakausad sa main draw bilang isang qualifier.

Nauna nang nakalaro sa main draw si Patrombon sa Chandigarh pero nangyari ito bilang isang wild card.

Unang laro ni Patrombon sa main draw ay laban sa isa ring Indian qualifier na si Ajai Selvaraj upang magkaroon ng magandang tsansa ang Filipino ace na makatikim din ng panalo sa tournament proper.

Lalaro na rin si Patrombon sa doubles at makakapareha si Arjun Kadhe ng India at ang unang asigna­tura ng dalawa ay sina Laurent Olivier Daxhelet ng Belgium at Akash Wagh ng India.

Hanap ni Patrombon na makakuha ng puntos sa men’s circuit bilang pag­hahanda na sa paglipat nito ng full-time sa papasok na taon.

Show comments