Muling pagsilang ng motocross
MANILA, Philippines - Sa likod ng SEL-J Sports, Inc., isang legitimate sporting organization na kinikilala ng Philippine Sports Commission (PSC), inaasahang muling eeksena ang motocross sa bansa.
Inilunsad noong 2009 ng isang national pharmaceutical company na SEL-J Pharma Corporation, ang SEL-J Sports, Inc. ay isang programa na naglalayong bigyan ng kaalaman ang kanilang mga kawani.
Ang SEL-J Pharma ay isang importer ng drugs at medicines.
Kabilang sa mga ibinabandera ng SEL-J Pharma ay ang mga top players at icons na sina motocross poster boy Glenn Aguilar, si legendary Jovie Saulog at si 2009 Golden Wheel Awardee Donark Yuzon.
Ang organisasyon ay pinamumunuan ng pangulo nitong si Jay Lacnit.
Kasalukuyang abala ang SEL-J Sports para sa first leg ng 2011 Enersel Forte World Motocross Series sa Sta. Barbara, Iloilo City na tinaguriang “Giyera ng Bisikleta sa Sta. Barbara.”
Ang motocross series ay ilulunsad sa isang national press conference sa Abril 8 sa Hotel Rembrandt sa Quezon City.
- Latest
- Trending