^

PSN Palaro

2 Dikit sa Gems

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Sinelyuhan ng Cebuana Lhuillier ang pagiging team to beat nang durugin nila ang dating walang talo na FCA Cultivators, 80-58, sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa San Juan Gym.

May 20 puntos at 11 rebounds si Allein Maliksi habang tatlong iba pa ang naghatid ng mahigit na 10 puntos para sa Gems na nagpakawala ng 23-6 bomba matapos lumayo ang Cultivators sa 35-41, para kunin ang momentun na hindi binitiwan hanggang sa matapos ang sagupaan.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng tropa ni coach Luigi Trillo para makasalo sa lideratong tangan ng Cobra Energy Drink sa Group B.

Binuksan nga ng Gems ang huling yugto gamit ang 6-0 bomba at ang pinakamalaking kalamangan sa laro ay sa 23 puntos, 64-47, sa jumper ni James Sena.

Bago ito ay bumangon naman buhat sa huling kabiguan ang NLEX Road Warriors sa pamamagitan ng 87-72 panalo sa RnW Pacific Pipes sa unang laro.

Sinandalan ng Road Warriors ang pitong tres na pinakawalan sa first half para tanganan ang 53-36 bentahe, bagay na hindi na nakayanan balikan ng Pacific Pipes para sa 2-1 karta ng bataan ni coach Boyet Fernandez.

vuukle comment

ALLEIN MALIKSI

BOYET FERNANDEZ

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

GROUP B

JAMES SENA

LUIGI TRILLO

PACIFIC PIPES

ROAD WARRIORS

SAN JUAN GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with