Shakey's V-League summer camp itinakda

MANILA, Philippines –  Magdaraos ang Sha­key’s V-League ng kani­lang third Summer Camp sa Marso 26-April 2 sa Ateneo Blue Eagle gym sa QC, isang eight-day session para sa babae na may edad 9-hanggang 16 anyos na nagnanais na maging isang sikat na volleyball player sa hinaharap.

Nakalaan sa nasabing camp ang scientific way ng pagtuturo ng volleyball kung saan ang mga kalahok ay maaaring matuto ng mga basics gaya ng ser­ving, dig pass at bump toss mula sa mga mahuhusay na manlalaro ng Shakey’s V-League na kinabibila­ngan ng magkapatid na sina Michelle at Mayette Carolino, Suzanne Roces, Paulina Soriano, Rachel Daquis, Joy Benito, Angela Benting, Bea Pascual, Melissa Mirasol at Margarita Pepito.

Kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan sa alinmang Shakey’s restaurant at magtatapos ito sa Marso 24.

Ibinababa ang entry fee sa P3,000 kasama na ang pagkain, official Shakey’s V-league Summer Camp T-shirt, sports bottle, towel at tote bag. 

Show comments