Ricardo Mayorga sabik na makabangga si Manny Pacquiao

MANILA, Philippines - Plano pa lamang ang po­sibilidad na magkrus ng landas sina Manny Pacquiao at Ricardo Mayor­ga pero hindi maitago ng huli ang pananabik na masukat ang itinuturing bilang pinakamahusay na boksingero sa kapanahunang ito.

“It would be a great fight, me against Pacquiao,” wika ni Mayorga nang nakapa­nayam ni Michael Marley ng Boxing Examiner.

Nakikita ng 37-anyos na boksingero mula Nicaragua na mapupuno ng aksyon ang sagupaan dahil pareho sila ni Pacquiao na hindi marunong umatras sa laban.

“I wouldn’t have look for him and he wouldn’t have to search for me. He’d be right in front of me and I’d be right in front of him,” dagdag pa nito.

Samantala, pinabula­anan rin ni Mayorga ang mga binibitiwang pagdududa ni Floyd Mayweather, Jr. patungkol sa suspetsa nitong gumagamit ng performance enhancing drugs (PED)s si Pacquiao kaya’t hindi nawawala ang lakas at bilis kahit umaakyat ito sa mas mabibigat na timbang.

Aniya ang lahat ng ta­gumpay na nakukuha ni ‘Pacman’ ay dahil sa masinsinan nitong pagsasanay at hindi sa kung anu-anong bagay at hindi ang paggamit ng PEDs.

“I don’t think Pacquiao is using any drugs. I think it’s all natural, all his results come from his great training, his conditioning. I think he’s a clean athlete,” dagdag nito.

Hindi rin siya interesadong labanan si Mayweather sa hinaharap at ang talagang napupusuan ay masukat ang husay ni Pacquiao.

Show comments