^

PSN Palaro

Quinones hari ng road race

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines –  Hindi lamang sa mountain bike maaasahan si Eusebio Quinones.            

Tinapos ng 37-anyos na siklista ang kampanya sa 2010 National Open Cycling Championships nang kunin ang 170-kilometer road race na nagsimula sa Quezon City hanggang Laguna bago bumalik sa QC at nagtapos sa Amoranto Velodrome kahapon.

Naunang pinagharian ang mountain bike event, tila naging madali kay Quinones ang rutang tinahak dahil sa akyatin sa Teresa, Rizal at mula rito ay tulu­yang kumawala sila ni Dante Cagas.

Minalas naman si Cagas na na-traffic sa huling 500-metro ng karera para makontento na lamang sa ikalawang puwesto.

“Hindi ko inaasahan na makukuha ko ang mountain bike at road race titles. Blessing marahil ito sa akin,” wika ni Quinones na nakapagsumite ng bilis na apat na oras, 42 minuto at 26.26 segundo.

Ang panalong ito ni Quinones ang magbibigay sa kanya ng panibagong ins­pirasyon para sa kanyang paghahangad na mu­ling mapasama sa na­tional team na magpapa­kita ng aksyon sa 2011 South­east Asian Games sa Indonesia.

Naiwanan si Cagas ng mahigit na 32 segundo sa 4:42:58.10 segundo habang ang dating Tour champion na si Warren Da­vadilla ay pumangatlo sa bilis na 4:45:42.63.

Magkakasama sina Quinones, Davadilla at Ca­gas sa unang 30 kilo­metro ng karera bago kumawala sa pababa sa Teresa, Rizal.

Naiwan na si Davadilla dala ng pulikat sa magka­bilang binti at naiwang nagbakbakan sina Quinones at Cagas na minalas ding maipit sa masamang trapiko.

Si Arnold Marcelo ng Team Roosevelt naman ang nanguna sa 2000m kerin race nang talunin si Jan Paul Morales habang si Dancel Maranon ang kumuha sa 250m sprint na ginanap din kahapon sa Velodrome.

Ang isang linggong pa­karerang ito ay handog ng Integrated Cycling Fede­ration of the Philippines (ICFP) sa pamumuno ni Dr. Philip Juico at suportado ng Shangri-La Finest Chinese Cuisine, Pepsi, Gatorade, Magnolia Water and New San Jose Builders.

Samantala, maaaring isumite ng mga photographers at reporters ang kani-kanilang entries sa ICFP office sa loob ng Amoranto Stadium ng hindi bababa sa tatlong entries.

vuukle comment

AMORANTO STADIUM

AMORANTO VELODROME

ASIAN GAMES

CAGAS

DANCEL MARANON

DANTE CAGAS

DAVADILLA

DR. PHILIP JUICO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with