Prized rookies
Kung kahapon natapos ang elimination round ng 2010 PBA Philippine Cup, ang makakalaban ng nangungunang San Miguel Beer sa quarterfinal round ay ang pang-walong koponang Air 21 Express.
At may twice-to-beat advantage ang Beermen Ibig sabihin, isang beses lang kailangan ng San Miguel na manalo sa Air21 upang pumasok sa semifinal round. kailangan ng Air21 na magwagi ng dalawang beses.
Sa ganitong scenario, parang maaga na ring magbabakasyonan Express. Kasi nga’y sa dalawang pagkakataong nagharap sila ng Beermen ay hindi sila nagwagi.
Dinurog sila ng San Miguel, 100-86 noong Oktubre 8 at pagkatapos ay nakaulit ang Beermen, 96-89 noong Biyernes. Kung hindi nga nakaisa ang Express sa Beermen, makadalawa pa kaya?
So, mabuti na rin para sa Air21 na hindi kahapon natapos ang elims. Puwede pa nilang ma-improve ang 4-7 record nila sa pamamagitan ng pagwawagi sa huling tatlong games nila laban sa Barako Bull sa December 5, Rain or Shine sa December 8 at Talk N Text sa December 12.
Pero siyempre, puwede din silang malaglag sa ikasiyam na puwesto at hindi umabot sa quarterfinals. Nakadikit pa naman sa kanila ang Powerade na may 3-8 record.
Sa ngayo’y dadalawang manlalaro ng Air21 angmay average ng double figures sa scoring at ito’y sina Ronjay Buenafe na may 1,509 puntos sa 11 games at rookie Rabeh Al-Hussaini na mayroong 14.64. Ikatlong best scorer ng Express si Wesley Gonzales na may 9.64 kada laro.
So, kung ito ang pagbabasehan, parang kulang ang opensa ng Express. Parang sa tatlong manlalaro lang nanggagaling ang consistent ang mga puntos.
Malaking kaibahan ito sa dating Air21 team kung saan halos anim ang mga manlalarong may average ng double figures sa scoring. Balanseng-balanse ‘ika nga ang opensa.
Pero tiyak namang magi-improve iyan.
Ang maganda lang sa Air 21 at ang pangyayaring maaasahan ni coach Joseller “Yeng” Guiao ang mga rookies na sina Al-Hussaini at Nonoy Baclao. Ang dalawang ito ang siyang magsisilbing pundasyon ng kinabukasan ng Express.
Bukod sa 14.64 puntos, si Al-Hussaini ay may average na 8.54 rebounds, 0.18 assist, 0.69 steal, 0.54 blocked shot at 2.54 errors sa 26.91 minuto. Actually, nais marahil ni Al-Hussaini na patunayan na siya talaga dapat ang naging No. 1 pick ng nakaraang Draft.
Si Baclao, na siyang top pick overall, ay mayroon lang 5.3 puntos kada laro. Pero hanep naman siya sa rebounds (8.5) at blocked shots (2.6). Kumbaga’y sa depensa at hindi sa opensa maaasahan si Baclao.
So okay na rin iyon. Isang rookie para sa opensa at isa para sa depensa.
Ang hindi pa nakakapagpakitang-gilas ay si Rey Guevarra na No. 3 pickoverall sa Draft. Dapat sana’y understidy siya ni Buenafe dahil slasher din siya noong nasa Letran pa siya. Pero sa sampung games, si Guevarra ay nag-average lang ng isang puntos, 0.8 rebound, 0.1 assist at 0.6 error sa 7.6 minuto. Marahil, siya na lang ang hinihintay ng Air21 para tuluyang sumingasing.
- Latest
- Trending















