Umaatikabong semifinals match hahataw ngayon sa Shakey's V-League

MANILA, Philippines - Matapos ang dalawang round at 12 laro, apat na koponan na lamang ang na­titirang maglalaban-laban para sa prestihiyosong ka­mpeonato ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season 7.

Unang magpapangbuno ang nanguna sa pagtatapos ng quarterfinals na San Sebastian College- Recoletos at ang number four na Far Eastern University sa alas-2 ng hapon habang maghaharap sa main event ang pumangalawang Adamson University at ang pumangatlong Lyceum sa alas-4 para sa pagsisimula ng best-of-three semifinals series ng season-ending conference ng V-League.

Noong Linggo, kinumpleto ng Lady Tamaraws ang four-team semis nang kanilang matakasan ang Ate­neo De Manila sa kanilang knock out match para sa huling upuan sa su­­sunod na bahagi ng torneo.

 Tinapos naman ng La­dy Stags ni coach Ro­ger Gorayeb at ng Lady Fal­cons ni coach Minerva Dulce Pante ang eliminas­yon at quarters sa una at ikalawang puwesto, ayon sa pagkakasunod habang pumuwesto sa ikatlong pu­westo ang Lyceum ma­tapos bumangon sa quarterfinals sa kanilang pagtatagumpay sa kanilang mga huling dalawang asignatura.

Show comments