^

PSN Palaro

Baste tatangkaing masolo muli ang unahan vs Blazers; Generals asam ang 2 dikit na panalo sa pagsagupa sa Cardinals

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Habang nakatutok ang Stags sa kanilang pag-ang-kin sa liderato, ang kanilang ikalawang sunod na panalo naman ang asam ng Ge­nerals.

Nakatakdang harapin ng nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos ang College of St. Be­nilde ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang sal­pukan ng Emilio Aguinaldo College at Mapua Institute of Technology sa fitrst round ng 86th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Kasalukuyang magka­salo sa unahan ang Stags at ang San Beda Red Lions sa magkatulad nilang 5-0 rekord kasunod ang Jose Rizal (4-2), Cardinals (3-2), Arellano Chiefs (2-3), Bla­zers (1-2), Generals (1-3), Letran (1-4) at Perpetual Altas (0-6).

Winakasan ng San Sebastian ang four-game winning streak ng Jose Ri­zal matapos kunin ang malaking 72-59 panalo noong Biyernes.

Sa naturang tagumpay, humakot si 6-foot-2 power forward Calvin Abueva ng 16 points, 15 rebounds, 4 steals at 2 assists para sa kanilang pang limang su­nod na ratsada.

“He’s really like that, always playing with a lot of energy and we hope to feed again on his energy,” sabi ni coach Ato Agustin kay Abueva, may mga averages na 16.2 points at 11.4 rebounds.

Dalawang dikit na kamalasan naman ang nalasap ng St. Benilde ni Richard Del Rosario, ang huli ay nang mabigo sa EAC, 71-67 noong nakaraang Miyerkules.

Inaasahang gagamitin ng Generals ni mentor Nomar Isla ang naturang panalo sa kanilang pakikipagharap sa Cardinals ni Chito Victolero.

vuukle comment

ARELLANO CHIEFS

ATO AGUSTIN

CALVIN ABUEVA

CHITO VICTOLERO

COLLEGE OF ST. BE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JOSE RI

JOSE RIZAL

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

NOMAR ISLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with