Cobra kampeon sa TOP 7th leg

MANILA, Philippines -  Bagaman naglaro sila ng wala ang kanilang coach na si Lawrence Tiongson, pinadapa ng Cobra Energy Drink ang M. Lhullier Kwarta Padala, 81-63 upang pagharian ang ikapitong leg ng Tournament of the Philippines kahapon sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Maynila.

Sa kanyang inirehistrong 24 puntos na kung saan 12 dito ay galing sa huling yugto, pinamunuan ni dating UE star Pari Llagas ang atake ng Cobra.

Nag-ambag naman sina Rudy Lingganay at Val Acuña ng 12 at 10 puntos para igiya ang Cobra patungo sa kanilang ikala­wang leg title ng ligang inor­ganisa ng PBL at Liga Pilipinas..

Nagtala naman ng ma­samang shooting performance ang Cebu Niños na naghari sa una at ika-anim na legs sa kanilang 22-of-66 shooting kabilang ang malamyang 3-of-20 mula sa tres. 

Sa unang laro naman, tinapos ng ANI-FCA ang ikapitong leg ng TOP sa ikatlong puwesto matapos nilang talunin ang MP GenSan, 82-73.

Show comments