3 Pinoy boxers sa PSA Forum
() - July 20, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Magiging bisita ang mga Filipino boxers na lalaban sa tatlong World Boxing Council (WBC) international title fights para sa lingguhang PSA Forum ngayong umaga sa Shakey’s sa U.N. Avenue.

Dadalo sina dating amateur standout Warlito Parenas, Ryan Bito at Sylvester Lopez sa nasabing public sports program na isina­saere ng DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Outlast Battery, PACGOR, Accel at Shakey’s.

Makakasama ng tatlo si promoter Bebot Elorde na magtatakda ng fight card sa Hulyo 31 sa Yñares Sports Arena sa Pasig.

Makakasama nila sa pang alas-10:30 ng umagang sports fo­rum ang mga opisyales ng Inter-Scholastic Athletic Association sa pamumuno nina president Atty. Jose Yayen, ang athletic director ng La Consolacion College, at Melanie Florentino, athletic director ng Feati University.

BEBOT ELORDE FEATI UNIVERSITY INTER-SCHOLASTIC ATHLETIC ASSOCIATION JOSE YAYEN LA CONSOLACION COLLEGE MAKAKASAMA MELANIE FLORENTINO OUTLAST BATTERY RYAN BITO SHAKEY SPORTS ARENA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with