^

PSN Palaro

Lakas ng isip at katawan ang susi

- Ni Manuel Cinco-tarinee -

MANILA, Philippines - Ang pagkaurong ng pagsubok upang mabasag ang kasalukuyang world record sa mga sunod sunod na exhibition matches ay itinuturing na pag­papala ni Grandmaster Jayson Gonzales.

“Mas may time pa ako para maging mas kon­disyon,” ani Gonzales.

Susubukan ng two-time Olympian na basagin ang record na itinala ni Iranian GM Morteza Mahjoob sa Hulyo 31 hanggang Agosto 1 sa Ninoy Aquino Stadium.

Itinala ni Mahjoob ang record noong Agosto 13 noong nakaraang taon ng kanyang katunggaliin ang 500 kalaban sa Engelab Sports Complex sa Tehran.

 80 percent ng mga participants ang minimum na kinakailangang maitala sa pinakamatinding pagsubok sa katawan at isipan.

“Stamina is critical in simultaneous exhibition. Kahit winning ka sa lahat ng boards kung kakapusin ka rin towards the end talo ka pa rin,” ani Gonzales. “When you’re tired prone ka sa blunder eh.”

Dalawang beses nagja-jogging at naglalakad ng apat na oras kada araw si Gonzales sa UP-Diliman upang ihanda ang kanyang katawan para sa pagsubok niyang kakaharapin.

Ang naunang nakatakdang subok ng bansa na basagin ang record na nakatakda sa Hulyo 10-11 ang naiatras dahil na rin sa mga ilang iregularidad sa venue.

vuukle comment

AGOSTO

DALAWANG

DILIMAN

ENGELAB SPORTS COMPLEX

GONZALES

GRANDMASTER JAYSON GONZALES

HULYO

ITINALA

MORTEZA MAHJOOB

NINOY AQUINO STADIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with