^

PSN Palaro

Bangoyan may patutunayan

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Patutunayan ni Balweg “The Davao Hitman” Bangoyan na hi­nog na nga siya para maging kampeon sa mundo ng boxing sa pagharap niya kay Toshiaki Nishioka ng Japan para sa ha­wak nitong WBC super bantam­weight title.

Si Bangoyan ay tumulak ng Japan ngayon para sa kanyang unang paghamon sa lehitimong titulo na gagawin sa Abril 30 sa Nihon Budokan saTokyo.

Hindi pa natatalo ang 23-an­­yos tubong Cotabato del Sur pero naninirahan na sa Ca­buran, Davao Del Sur, sa 15 laban at mayroon na rin itong 6 knockouts sa kanyang career.

Dalawang beses na rin siyang hinirang bilang WBC Inter­national Super Bantamweight champion at sa huling laban nga ay nabawi niya ang nabitiwang korona nang hiritan ng majori­ty decision win si Raymond Ser­mona nang magtuos nitong Set­yembre 12, 2009 sa San An­dres Gym.

Beterano ang kampeon na si 33-anyos Nishioka dahil mayroon na itong 42 laban at may 35 panalo kasama ang 22 KO.

Ikatlong pagdepensa sa ti­tulo na ito ni Nishioka at hu­ling tinalo nga ay si Mexican Ivan Hernandez na nagretiro ma­tapos lamang ang tatlong rounds.

Bago si Hernandez ay tinalo na rin muna ng Japanese champion si dating WBO champion Jhonny Gonzales noong nag­daang Mayo sa pamamagitan ng third round TKO.

Mabigat man ang kalaban ay tiwala naman si Bangoyan sa tsansa nitong manalo at sasandal siya sa kanyang kabataan para gulatin ang beteranong kam­peon.

Nakuha ni Bangoyan, tinutulungan ni Wakee Salud, ang karapatang labanan si Nishioka matapos malagay sa ika-10 puwesto sa hanay ng WBC.  

vuukle comment

BANGOYAN

DAVAO DEL SUR

DAVAO HITMAN

JHONNY GONZALES

MEXICAN IVAN HERNANDEZ

NIHON BUDOKAN

NISHIOKA

RAYMOND SER

SAN AN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with