Asi babandera sa South team vs North sa PBA All Star-Game

MANILA, Philippines - Nakuha na ni Asi Tau­lava ng Coca-Cola ang ka­rangalan sa paglalaro sa kanyang pang 12th PBA All-Star game.

Nakatakdang pangu­nahan ng 6-foot-9 Fil-To­n­gan ang South team la­ban sa North squad para sa 2010 PBA All-Star Game sa Linggo sa Puerto Princesa Coliseum sa Palawan.

Nakatakda naman nga­yong hapon ang Roo­kies vs Sophomores Blitz­ Game, obstacle challenge, 3-Point Shootout at Slam Dunk Contest.

 Makakasama ni Taula­ va, tinanghal na All-Star MVP noong 2004 at 2006, sa South team sina Jimmy Alapag, Kelly Williams, Erik Menk, Cyrus Baguio, James Yap, Roger Yap, Joe Devance, Reynel Hugnatan, Sonny Thoss, Ronald Tubid at Dondon Hontiveros, nasa kanyang pang 11th All-Star game.

Si Alaska Aces coach Tim Cone, nasa kanyang ika-walong All-Star game, ang gigiya sa South, habang si Ryan Gregorio ng Derby Ace ang titimon sa North.  

Show comments