Corteza babandera sa RP sa World 8-ball Pool Championships

MANILA, Philippines - Handang-handa na si Lee Van Corteza, isa sa pina­kamatagumpay na Filipino players noong nakaraang taon, na sumargo sa pinakamalaking billiards event sa pinakapamosong rich oil country.

Si Corteza, ang top player ni Jonathan Sy’s Negros Billiards stable ay tuluy-tuloy ang pananalasa sapul ng magkampeon sa 2009 BSCP National Pool Championships at Villar Cup nitong December at kabilang sa early favorites sa Etisalat World 8-Ball Pool Championship sa Abril 4 hanggang 10 sa Fujairah Tennis Club sa Fujairah, United Arab Emirates.

Tampok ang 64-man field sa torneong ito kung saan nakalaan ang championship purse na $28,000.

 “I hope to do well in this event,” sabi ng Davao City native Corteza, na natalo kay Mika Immonen ng Finland during the finals ng 2009 World Ten Ball nitong November sa Pasay City. “

Ang iba pang Filipinong kalahok sa $100,000 event ay sina dating world champions Efren “Bata” Reyes, Ronato “Volcano” Alcano at Alex “The Lion” Pagulayan, Francisco “Django” Bustamante at Dennis “Robocop” Orcollo. 

Show comments