^

PSN Palaro

Pacquiao outstanding favorite vs. Clottey

- Abac Cordero -

HOLLYWOOD --Ayon sa fight odds, ang ta­nging paraan para matalo si Manny Pacquiao kay Joshua Clottey ay kung aakyat siya sa ibabaw ng boxing ring na nakapiring ang mga mata. 

Sa paghahanda ng Filipino boxing superstar sa pagbiyahe patungong Te­xas, lumagay si Pacquiao sa minus 800 sa fight odds sa Las Vegas kumpara sa plus 550 ni Clottey.

Ibig sabihin nito, ang mga Pacquiao fans ay kailangang magsugal ng $800 para manalo ng $100 at ang taya namang $100 para kay Clottey ay tatabo ng $550 kapag nanalo ang Ghana fighter.

Maliwanag na ‘outstanding favorite’ si Pacquiao sa kanilang laban ni Clottey sa Linggo sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas kumpara sa kanyang mga nakaharap na sina Jorge Solis, Marco Antonio Barrera, Ricky Hatton at Miguel Cotto.

Huling naging ‘underdog’ si “Pacman” nang makasabayan si Oscar dela Hoya na kanyang tinalo via eight-round TKO.

Sinabi na kamakalawa ni trainer Freddie Roach na inaasahan niyang matatapos ni Pacquiao si Clottey sa loob ng nine rounds. Ngu­nit mas masisiyahan siya kung mas maaga itong magwawakas.

Ang panalo ni Pacquiao via decision ay humatak ng plus 130 at minus-150 kung mapapabagsak niya si Clottey.

Kung mananalo si Clottey mula sa puntos, ang $100 bet ay papalo ng $600 at kung knockout ay $400.

Hindi tumakbo si Pacquiao kahapon at sa halip ay nagsimba kasama ang ilang miyembro ng kanyang Team Pacquiao at kaibigan bago umuwi sa kanyang $4,800-a-month La Palazzo aparment.

Nakatakdang makipag-spar si Pacquiao ng apat na rounds ngayong araw simula alas-10 ng umaga hanggang bumiyahe sa alas-3 ng hapon sa pama­magitan ng chartered plane patungo sa Arlington, Texas.

Ang pinakahuling press conference ay nakatakda sa ala-1 ng hapon sa Huwebes (Manila time) sa Cowboys Stadium.

vuukle comment

CLOTTEY

COWBOYS STADIUM

FREDDIE ROACH

JORGE SOLIS

JOSHUA CLOTTEY

LA PALAZZO

LAS VEGAS

MARCO ANTONIO BARRERA

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with