Corteza wagi De Luna bigo

MANILA, Philippines - Magkahiwalay na ruta ang dinaanan nina Lee Van Corteza at Jeffrey De Luna sa pagpapatuloy ng Predator World Tour sa Lloret de Mar sa Girona, Spain.

Pinayuko ni 2009 World Ten Ball finalist si Jose Luis Gonzales ng Spain, 8-5 habang natikman naman ni De Luna ang 8-7 kabiguan sa kamay ni Rodney Morris ng Amerika.

Nalasap ni De Luna ang kanyang unang kabiguan sa kamay ni Neils “The Terminator” Feijen ng Netherlands, 8-5.

Nakataya sa 50,000 euros event ang 10,000 euros na matatanggap ng magkakampeon habang 6,000 euros naman sa ika-2 puwesto, at tig 3,200 euros naman sa ika-3 at ika-4 na puwesto.

May naghihintay ding tig 2,000 euros sa 5th hanggang 8th placers; tig 1,000 euros naman sa 9th hanggang 16th placers at tig 675 euros naman sa 17th hanggang 32nd placers.

Show comments