Arnis kinilala ng national sports
MANILA, Philippines - Matagal din ang panahon ang hinintay.
At ngayon, tapos na ang paghihintay na ito.
Isang senador at eksperto sa arnis ang hinintay upang makilala ang arnis bilang national sports.
Hindi lamang sa Pinas kinikilala ang arnis kundi maging sa ibang bansa kinikilala ito.
“We’ve done it. Now we have the law,” wika ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kasama ang ilang kinatawan sa paglilikha ng batas para gawing national martial arts at sports ang arnis sa ating bansa.
Noong Disyembre 11, pinir-mahan na ang Republic Act 9850 ni President Gloria Macapagal-Arroyo, isang pagsulong na buong pusong tinanggap ni Zubiri at ng maraming arnis practitioners mula grandmasters hanggang sa mga nagsisimula pa lamang mag-arnis.
Ibibilang na rin ang arnis sa Physical Education curriculum ng mga high school at college students.
Para sa kaalaman ng marami si Zubiri ay isang national champion sa kanyang weight class noong 1988. Kaya naman isa si Zubiri sa pursigido sa pagsulong ng naturang batas.
“It’s quite ironic that arnis, our traditional martial art, is being practiced more in other countries than inside ours. The special forces in the United States, Russia and Israel use them and recognize them as a Filipino art,” aniya.
Kahapon, nagsalita ito sa harap ng mga arnis grandmasters mula sa iba’t ibang clubs at dumalaw kay Philippine Sports Commission chairman Harry Angping.
At hindi naman nagdalawang isip ang PSC chief na ibigay ang kanyang suporta kung saan nangako ito ng P5M . (SNFrancisco)
- Latest
- Trending
























