^

PSN Palaro

Lady Stags lusot sa semis

-

MANILA, Philippines - Ginulat ang lahat dahil sa impresibong performance, nakasama ng San Sebastian College ang UST sa semifinal round sa pamamagitan ng pagdurog sa St. Benilde, 25-23, 24-26, 25-21, 25-16 kahapon sa pagpapatuloy ng semifinal round ng Shakey’s V-League Season 6 sa The Arena sa San Juan City. 

Kumayod ng todo sa first set, dinispatsa ng Lady Stags ang kalaban para angkinin ang tagumpay ng labanang tumagal ng isang oras at 36 minuto.

Nagrehistro si Joy Benito ng 25 spikes mula sa kanyang 26-point output habang nagdagdag rin sina Margarita Pepito at guest alumna Jinni Mondejar ng tig 13 hits bawat isa para sa 8-4 baraha sa quarterfinal round ng kumperensyang handog ng Shakey’s Pizza.

Ito ang ikasiyam na semifinal appearance ng SSC magmula nang lumahok ang koponan sa liga noong 2004, kung saan una itong nasawi sa pagsali sa Final Four noong 2004.

Para sa St. Benilde, tumipa si Giza Yumang ng kabuuang 19 hits at nag-ambag rin si Katty Kwan ng 18 points.

Namamayagpag pa rin sa unahan ang UST na may 9-1 baraha nang maangkin ang unang semis seat ha-bnag nakasunod rin ang San Sebastian (8-4), FEU (7-4) at Ateneo-OraCare (6-4), kabilang ang Adamson (5-5) na nag-aasam na mapwersa ang playoff at makalusot sa huling semis seat.

Sa tampok na laban, hindi nawawalan ng pag-asa, patuloy ang pakikibaka ng Adamson para sa semis nang yariin ang Ateneo-OraCare, 20-25, 25-19, 25-22, 25-21 at tumabla sa Lady Eagles sa ikaapat na pwesto.

Krusyal ang naturang panalo para sa Adamson sapagkat hahamunin nito ang pinatalsik na St. Benidle sa Biyernes habang babanggain namn ng Ateneo ang UST upang manatili sa semis. (SNFrancisco)

vuukle comment

ADAMSON

ATENEO

FINAL FOUR

GIZA YUMANG

JINNI MONDEJAR

JOY BENITO

KATTY KWAN

LADY EAGLES

LADY STAGS

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with