^

PSN Palaro

Lady Stags lumapit sa lider

-

MANILA, Philippines - Lumusot sa butas ng karayom, naitakas ng San Sebastian College ang panalo sa nagtatanggol na Adamson University sa pamamagitan ng 25-23, 25-23, 21-25, 26-24 panalo upang lumapit sa tuktok ng Shakey’s V-League Season 6 sa The Arena, San Juan noong Martes ng gabi.

Kumapit sa two point lead sa dalawang naunang set, naiabante ng Lady Stags ang koponan para paralisahin ang pag-asa ng Lady Falcons subalit nagawang humabol ng San Marcelino based spikers para ilunsad pa ang 4th set match at tapusin ang laban sa loob ng 1:46 oras.

Ito ang ikalimang pag-rereyna ng SSC na matindi ang angkla sa ikatlong posisyon sa likod ng nangunguang UST Tigresses (6-0) at FEU Lady Tams (6-1) sa penultimate elims ng ligang hatid ng Shakey’s Pizza.

Ang naturang panalo ay magiging sandata rin ng Lady Stags para paigtingin ang engkwentro kontra Tigresses bukas na maaring maging paunang silip sa napipintong kampeonato ng ligang suportado ng Mikasa, Accel, Mighty Bond at OraCare.

Umukit si Joy Benito ng 23 points, kabilang ang 19 attacks, sa pakikipagtulu-ngan nina Margarita Pepito at guest player Jinni Mondejar na kapwa nag-ambag ng 16 hits, at pinagsamang 23 points kina Melissa Mirasol, Darna Robinos at Jennelyn Belen upang harangan ang magarbong pagbabalik ng AdU sa hard court.

Samantala, bigong magpasiklab sa kanilang muling pagsabak ang grupo nina Pau Soriano, Angela Benting, Jill Gustilo at guest player Charmaine Moral-de.

Ngunit bigong masustinahan ng Lady Falcons ang pwersa para ikopo ang reigning five time NCAA champion na SSC.

Bunga nito, nalaglag sa ikaapat na silya na may 3-3 baraha, kasosyo ang Ateneo OraCare na makakatagpo nila bukas.

Tumapos naman ang St. Benilde sa 2-5 rekord na nailuklok ang tropa sa hu-ling quarterfinal berth suba-lit nangangailangan pa ang Lady Blazers ng magigilas na galaw para umusad sa isa pang single round robin na magdedetermina ng apat na koponang aabante sa semis. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ANGELA BENTING

CHARMAINE MORAL

DARNA ROBINOS

JENNELYN BELEN

JILL GUSTILO

JINNI MONDEJAR

JOY BENITO

LADY FALCONS

LADY STAGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with