^

PSN Palaro

Milo Little Olympics sasambulat na

-

MANILA, Philippines - Libu-libong mga batang atleta mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang magsasama-sama para sa kompetisyon sa elementary at high school students sa Setyembre 4, 5 at 6 sa Manila, Cebu at Setyembre 11, 12 at 13 naman sa Cagayan de Oro at Pangasinan sa pagbubukas ng Milo Little Olympics.

Nasa ika-22 taon na, ang Milo Little Olympics ay isang pagsisikap ng Milo na makapagtatag ng kampeon sa sports at sa buhay.

Noong nakaraang taon may 22,000 estudiyanteng atleta mula sa may 800 schools ang lumahok sa event na tinatampukan ng 11 sports disciplines na magtuturo sa mga kabataan hindi lamang ng sports excellence kundi pagbuo din ng kahalagahan ng karakter tulad ng pagrespeto, determinasyon, honesty upang tulungan silang maging isang mahusay na indibiduwal. Ilan sa mga tampok na sports na paglalabanan ay athletics, badminton, chess, football, gymnastics, lawn tennis, swimming, sepak takraw, table tennis, taekwondo at volleyball.

At dahil sa tagumpay ng Milo Little Olympics nakahubog na rin ito ng mahuhusay na atleta sa gymnastics, taekwondo, tennis, athletics at swimming na kumatawan sa bansa sa mga pangunahing sports competition tulad mg Southeast Asian Games, World Youth Cup (tennis) at Asian Junior Track at Field (athetics).

Nanatiling seryoso ang Milo Little Olympics sa kanilang commitment na makadevelop ng mga kampeon sa hinaharap.

ASIAN JUNIOR TRACK

CEBU

ILAN

LIBU

MILO LITTLE OLYMPICS

NANATILING

NOONG

ORO

SETYEMBRE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

WORLD YOUTH CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with