ILLAM pasok sa semis ng World Series

MANILA, Philippines - Isusuot ng International Little League Association of Manila ang kulay ng Pambansang bandila ng Pilipinas sa 2009 World Series nang magpadala ito ng dalawang koponan sa semifinals ng kani-kanilang division sa iba’t ibang lugar sa Amerika.

Galing sa malaking panalo mula sa koponan ng Nanticoke, Pennsylvania (4-3) at Utah (18-1), ipinagpatuloy ng ILLAM Junior League team ang pananalasa nang magtala ito ng 9-6 panalo laban sa Italy sa Everest Park sa Kirkland, Washington.

Hawak ang markang 3-0 record, nakalusot ang ILLAM Junior League sa susunod na round ng 13-14 years old division.

At makakasagupa naman ng koponan, ang unang RP team na nakarating sa Junior, ang Elyria, Ohia ng US Central, na wala pang talo.

Sa Senior League (15-16), ILLAM bagamat nakalasap ng kabiguan, may natitirang lakas pa rin sila upang igupo ang Canada, 5-4, para makara-ting sa semifinals sa Shawn Mansfield Stadium sa Bangor, Maine.

Show comments