^

PSN Palaro

Altas, Chiefs may nakitang liwanag

-

MANILA, Philippines - Nalusutan ng Perpetual Help University ang ata-keng inilunsad ng Emilio Aguinaldo College habang sumandal naman ang Arellano University sa maliit ngunit matinik na si Leonard Anquilo para mabuhayan ng pag-asa sa kanilang kampanya sa Final Four ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Binanderahan ng baguhang si Chris Elopre ang Altas sa kanyang inilsitang 19 puntos bukod pa sa apat na steals, 3 rebounds at 2 aassists tungo sa 86-79 tagumpay sa Generals katulong si George Sicat na tumirada naman ng 18 puntos at 11 rebunds.

“He really stepped up to the challenge and played one hell of a game,” patungkol ni Perpetual Help coach Boris Aldeguer sa kanyang nakuhang rookie.

Maagang idinikta ng Altas ang tempo ng laro nang agad sumingasing ito sa 16 puntos na bentahe, 54-38 sa first half.

Sinundan pa ito ng 70-57 kalamangan ng Perpetual sa ikatlong period, nang maghabol ang Generals at makalapit sa 75-77.

Nagtulong sina Elopre at Nat Salanga sa huling minuto ng sagupaan upang tapusin na ang Generals at ipalasap ang kanilang ikapitong kabiguan laban sa dalawang panalo.

Sa kabilang dako, maliit man sa taas na 5-1, hindi ito naging hadlang para bitbitin ni Anquilo na kumamada ng career-high 20 puntos, 4 rebounds, 3 assists at 3 steals, para sa 96-77 panalo ng Chiefs sa Angeles University Foundation.

“He may be small but he has a big heart,” patungkol ni Arellano coach Junjie Ablan kay Anquilo.

Dahil sa kabiguang ito, nilasap ng AUF ang kanilang ikapitong sunod na kabiguan laban sa nag-iisang panalo.

Sa juniors play, dinoble ng Perpetual Help ang kanilang perwisyo nang bugbugin nila ang EAC, 116-63 habang pinalakas naman ng Arellano U, ang kanilang sariling kampanya sa Final Four sa pamamagitan ng 82-44 panalo sa AUF.(SNFrancisco)

vuukle comment

ALTAS

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

ANQUILO

ARELLANO U

ARELLANO UNIVERSITY

BORIS ALDEGUER

CHRIS ELOPRE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

PERPETUAL HELP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with