^

PSN Palaro

FEU belles reyna ng Petron beach volley

-

MANILA, Philippines - Gumanti ang tambalan nina Anna Abanto at Marigail Tolentino ng FEU sa UE pair nina Jimberly Dizon at April Soriano, 21-12, 21-13, upang makopo ang korona sa unang yugto ng 2009 Petron Ladies Beach Volleyball tournament sa sandcourts ng UE- Caloocan campus.

Ito ang ikatlong titulo nila sa tatlong taon, ibilang na ang back-to-back crown sa UAAP volleyball may limang buwan na ang nakakaraan.

Napagwagian ng duo ang premyong P10,000 para sa first prize sa spikefest na ito na hatid ng Petron, Mikasa (official ball) at Speedo (official outfitter).

At higit sa lahat nakuha nila ang awtomatikong upuan sa Battle of the Champions sa pagtatapos ng beach voleyball season.

Sa gitna ng matinding sikat ng araw, binasag ni Tolentino ang 6-all na pagkakatabla sa final set sa pamamagitan ng kanyang drop shot. At sinundan ito ni Abanto ng dalawa pang drop shots at service winners na hindi inakala ng mas matatangkad nilang kalaban.

Ang agresibong galaw ni Abanto ang nagbigay daan sa FEU pairs na makausad tungo sa 11-7 bentahe.

Isang smash sa net, pares ng errors ng kalaban at service winner ni Abanto ang nagsiguro sa panalo ng Lady Tamaraws.

vuukle comment

ABANTO

ANNA ABANTO

APRIL SORIANO

BATTLE OF THE CHAMPIONS

CALOOCAN

GUMANTI

JIMBERLY DIZON

LADY TAMARAWS

MARIGAIL TOLENTINO

PETRON LADIES BEACH VOLLEYBALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with