^

PSN Palaro

Marami na ang nasasabik sa Pacquiao-Dela Hoya bout

SPORTS - Dina Marie Villena -

Puspusan na ang pagsasanay ni Manny Pacquiao sa kanyang laban kontra kay Oscar dela Hoya sa December 6 na tinaguriang ‘Dream Match’.

Habang papalapit na ang laban na ito, halos pantay lamang ang dalawa kung pustahan ang pag-uusapan, bagamat tila nakakalamang si Pacquiao sa kakamping Mexicans.

Gayunpaman, kahit nagpapadehado si Oscar dela Hoya, hindi maiaalis na nakakaangat pa rin ang guwapong boxer.

At siyempre hindi papayag si American trainer Freddie Roach na madehado ang kanyang bata.

Haaay marami ang nananabik na Pinoy sa magiging resulta ng laban na ito kaya tiyak titigil na naman ang mundo sa December 6 dahil lahat ay nakatutok sa laban na ito sa kani-kanilang telebisyon.

At tiyak din na kikita na naman ng husto ang ilang sinehan at telebisyon sa araw na ito.

Sinasabing walang mawawala kay Manny Pacquiao sakaling matalo at mas malaki ang mawawala kay Dela Hoya.

Manalo man o matalo si Pacquiao ganun pa rin ang laki ng kanyang kikitain.

Pero sa tingin nyo ba may laban si Manny kay Oscar?

Haaay, nakakasabik hintayin ang araw na iyon!

* * *

Umiinit ang bakbakan sa PBA dahil may protestahang nagaganap.

Prinotesta kamakailan ng Air21 ang laban nila sa San Miguel Beer.

Gayunpaman, binasura ng PBA Office of the Commissioner ang protesta ng Express.

* * *

Natutuwa ako sa balitang dumadalaw si Romel Adducul sa ensayo ng Purefoods at unti-unti na ring sumasama ito sa ensayo.

Ibig sabihin nakakarecover na ito sa kanyang sakit. At siyempre isa pa sa natutuwa ay ang kanyang number 1 fan na si Mayette Delgado-Gonzales. Uy congrats nga pala at malapit ka ng maging nanay.

* * *

Belated happy birthday kay Nolan Bernardino (Nov. 8) Teddyvic Melendres (Nov. 9), sa aking dearest friend na si Rhea Navarro sa Nov. 12, Norman Black (Nov. 12) Teacher AJ (Nov. 12).

vuukle comment

DELA HOYA

DREAM MATCH

FREDDIE ROACH

GAYUNPAMAN

HAAAY

MAYETTE DELGADO-GONZALES

NOLAN BERNARDINO

NORMAN BLACK

OFFICE OF THE COMMISSIONER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with