Letran babangon
Tangka ng
Sasagupain ng Letran Knights ang kulelat na University of Perpetual Help Dalta System sa pambungad na laban sa alas-2:00 ng hapon.
Kasalukuyang nasa ikatlong puwesto ang Letran na may 7-3 kartada sa likod ng co-leaders na defending champion San Beda College at ang Jose Rizal University na may parehong 8-3 record.
Nasa ikaapat na puwesto naman ang five-time champions San Sebastian College-Recoletos na may 7-4 kartada kasunod ang naghahabol na Mapua Institute of Technology na may 5-5 at College of St. Benilde (4-7).
Ang Perpetual Altas ay may isang panalo pa lamang sa 11-laro sa likod ng Philippine Christian University na may 3-8 karta.
Sasagupain naman ng Mapua ang PCU Dolphins sa alas-4:00 ng hapon na hangad buhayin ang kanilang tsansa sa Final Four matapos ang 56-66 pagkatalo sa CSB Blazers.
Nanggaling naman ang Letran sa 73-76 kabiguan sa Heavy Bombers noong Miyerkules, habang isang 51-59 pagkatalo naman ang natikman ng Altas sa Dolphins noong Biyernes.
Mangunguna sa Letran sina RJ Jazul, Dino Daa, Rey Guevarra, Kojack Melegrito at John Foronda habang sina Mike Kong, Rob Reyes, Raffy Ynion, Romel Balboa at Franz Dysam naman ang babandera para sa Perpetual.(Mae Balbuena)
- Latest
- Trending


















