‘Excellent’
Lasma na nga, dehado pa sa tawagan.
Kaya after Game 3 ng finals, kung saan olats ang TNT sa Ginebra, nagbitaw ng matalinhagang salita si coach Chot Reyes.
“Excellent officiating,” sabi niya.
Of course, iba ang ibig niya sabihin dahil ilan beses during the game eh umaangal siya sa tawagan.
May maninipis ng tawag laban sa TNT. Kaya lang, may mga questionable calls din naman kontra sa Ginebra.
Pero overall, tingin ko, dehado ang TNT.
Lumuhod nga sa sahig si coach Chot. Muntik na mag “Ben Tumbling.” At sa isang banda, pumalakpak na lang sa isang tawag.
Pero ubod din ng malas ang TNT.
Si Chris McCullough at RR Pogoy lang ang kumana. Si Calvin Oftana, na umiskor ng 31 sa panalo nila sa Game 2, naka-two points lang. Si Rey Nambatac naman, after 10 points sa Game 2, nangitlog.
Plus may 20 turnovers pa ang TNT. Crucial ‘yun. Kaya ngayon, down sila sa best-of-seven series ng Commissioner’s Cup, 2-1.
Dehins pa naman tapos ang laban. May Game 4 pa mamaya.
Better luck next time.
- Latest



















