Coffee Kings sinikatan ng Araw
() - May 8, 2008 - 12:00am

Nagningning si Ford Arao para sa San Mig Coffee na nanaig sa Toyota Otis Sparks, 68-64, para makopo ang ikaapat at huling semis berth sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa Oreta Sports Center sa Malabon City.

Mula sa delikadong 64-60 kalamangan, umiskor ng dalawang krusyal na charities si Arao upang iselyo ang tagumpay.

Ito ang unang semis appearance ng San Mig Coffee (dating Magnolia Beverage)  matapos manalo ng titulo noong 2005 season.

Pinangunahan nina Bonbon Custodio at Neil Raneses ang Coffee Kings sa itinalang 18 at 17 points ayon sa pagkakasunod at nagdagdag si Arao ng 10 points tulad ni JP Alcaraz, kabilang ang back-to-back baskets sa kaagahan ng fourth quarter na naging mitsa ng 6-0 run para sa kanilang 59-51 kalamangan.

Haharapin ng San Mig Coffee ang defending champion at No. 1 Harbour Centre na siyang pumili sa kanila  na kalaban sa semis.

Haharapin naman ng Hapee Toothpaste,  tumapos bilang No. 2 sa double-round elims, ang Burger King sa isa pang semis battle na magsisimula bukas sa Tarlac. (Mae Balbuena)

ARAO BONBON CUSTODIO BURGER KING COFFEE KINGS FORD ARAO HAHARAPIN HAPEE TOOTHPASTE HARBOUR CENTRE SAN MIG COFFEE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with