Corteza Silver lang

Nawala ang mahika ng mga Pinoy cue artists kung saan ang Pilipinas ay hinahangaan makaraang makasilver lamang si Lee Van Corteza sa 9-ball singles  matapos yumuko kay Indonesian Ricky Yang, 8-11 sa pagtatapos ng billiards and snooker competitions sa Sima Thani Hall dito.

Ilang beses na ring nagwawagi sa naturang event, sunod-sunod na error at miscue ang naging dahilan ng kabiguan ni Corteza sa larong mga Pinoy ang nagdodomina.

Isa pang silver ang naimabag ni Mary Ann Basas sa women’s 6-red snooker singles at tatlong bronze mula naman kay Rubilen Amit sa 8-ball pool  singles at tambalang Benjamin Guevarra Jr. at James Al Ortega sa  men’s snooker doubles.

Show comments