^

PSN Palaro

PBA player, mahilig sa rich gay sponsor!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Nung minsan ay naibalita namin sa inyo ang tungkol sa dalawang gay sponsors ng mga basketball players na nagkagalit dahil sa isang basketball player na pinag-aawayan nila.

Ngayon naman, iba ito.

Dalawa pa ring gay sponsors na dating magkaibigan ang nag-upakan in front of a big crowd.

Upakan as in upakan dahil nagsuntukan talaga silang animo’y parang mga macho men.

Sino ang nanalo?

Ewan ko.

Pero hindi natin alam ang dahilan kung bakit sila nag-upakan.

Hayaan nyo’t aalamin namin.
* * *
Takang-taka ang gay sponsor community tuwing nalalaman nila na nag-sleep over ang isang magaling at guwapong basketball sa bahay ng isang mayamang gay sponsor.

Kasi naman sabi nila, hindi na nito kailangan ng datung dahil malaki naman ang suweldo niya sa PBA ngayon.

Kaya kapag nababalitaan nilang nakitulog ito kay rich gay, nakataas ang kilay nila.

Oo nga naman...
* * *
Palagi mong makikita ang bading na ito sa mga coliseum o venues kung saan may college games.

Kahit anong collegiate league, nandun siya.

Dati lang siyang basketball fan pero ngayon, kung umasta siya ay parang mayaman na, sabi ng ilang cheer-leaders na kakilala niya. Ngayon lang nila na-discover kung bakit parang may pera na si bading na dating fan. Siya pala ang tagabigay ng mayayamang bading na hindi nagpapakita sa coliseum.

Yung iba, mga closet queens o tagong bading na ayaw magpa-biso sa tunay na kasarian nila. Ang mga contact niyang bading ay sa bahay o opisina lang nanonood ng college games. Hindi mo sila makikitang naglalagi sa Araneta o sa PBL venues o sa Ninoy Aquino stadium.

Pag may natipuhan silang player, tatawag lang agad sila sa contact nilang bigay na si bading na fan nga.

Si bading na basketball fan ang siyang lalapit sa player at diyan na magaganap ang negosasyon.

Pag ayos na ang lahat, darating ang kotse ng rich gay at presto, dito na sasakay si bading na fan at si college player na pumayag sa imbitasyon.

Pag naihatid na si player sa condo o office o meeting place, eskapo na si bading na fan with matching commis-sion.

Yan ang tinatawag nilang special delivery sa basketball circle.

Maganda na rin ang cellphone ni bading na fan dahil kapag walang tv coverage, via MMS niya ipinapadala ang picture ni player, at kapag natipuhan ng mga rich gays ang mukha niya sa MMS na naipadala ni bading, hayun, jackpot na siya!

Isang college player na minsan ay nabiktima ng bading na ito ang nagbulgar na trabaho ni bading na fan.

Si college player ay nasa PBL na ngayon at siguradong makakalaro na sa PBA next year.

vuukle comment

BADING

FAN

NGAYON

NINOY AQUINO

PAG

PLAYER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with