^

PSN Palaro

Sino’ng pinakamagaling?

GAME NA! - Bill Velasco -
Noong 1989, idineklara ng FIBA ang "open basketball", kung saan makakalaro ang pro sa mga international amateur tournament.

Mula noon, limang ulit na tayong nagpadala ng koponan na binuo ng halos lahat ay PBA player sa mga Asian-level competition. Para sa Semana Santa, pinagdebatihan namin sa programang Hardball kung sino ang pinakamahusay sa kanilang lahat.

Noong 1990, ang coach ng Añejo Rhum na si Robert Jaworski ang namuno sa team. Ang mga naglaro noon ay sina: Allan Caidic (Presto), Hector Calma (San Miguel Beer), Rey Cuenco (Añejo Rhum), Yves Dignadice (San Miguel Beer), Ramon Fernandez (San Miguel Beer), Dante Gonzalgo (Añejo Rhum), Samboy Lim (San Miguel Beer), Chito Loyzaga (Añejo Rhum), Ronnie Magsanoc (Formula Shell), Benjie Paras (Formula Shell), Alvin Patrimonio (Purefoods) at Zaldy Realubit (Presto). Apat ay mula sa Beermen, isang taon matapos nilang makuha ang Grand Slam.

Matapos katayin ng China, 125-60, sa eliminations, tinalo ng Pilipinas ang Japan sa crossover semifinals, at lumaban ng husto bago magtapos sa pangalawang puwesto laban muli sa China. Si Samboy Lim ay nasali sa Mythical Team ng torneo.

Noong 1994, bilang kampeon ng All-Filipino, ang San Miguel Beermen, sa pamumuno ni  Norman Black, ang nakakuha ng karapatang maging kinatawan ng bansa. Ang team ay binuo nina Marlou Aquino (Amateur), Dong Polistico (San Miguel Beer), Jerry Codiñera (Purefoods), Alvin Teng (San Miguel Beer), Alvin Patrimonio (Purefoods), Rey Evangelista (Purefoods), Kenneth Duremdes (Amateur), Allan Caidic (San Miguel Beer), Ato Agustin (San Miguel Beer), Franz Pumaren (San Miguel Beer), Hector Calma (San Miguel Beer), at Johnny Abarrientos (Alaska). Pumang-apat ang Pilipinas, at lumitaw na top scorer ng torneo si Allan Caidic.

Sa taong 1998, ang PBA selection na ang coach ay si Tim Cone ay tinaguriang Centennial Team. Kabilang sila Allan Caidic at Alvin Patrimonio, ang tanging PBA player na lumahok sa apat na Asian Games basketball tournament. Kabilang rin sina  Andy Seigle (Mobiline), Jojo Lastimosa (Alaska), Dennis Espino (Sta. Lucia), Jun Limpot (Sta. Lucia), Vergel Meneses (Pop Cola), E.J. Feihl (Purefoods), Olsen Racela (San Miguel Beer), Marlou Aquino (Ginebra), Johnny Abarrientos (Alaska) at Kenneth Duremdes (Alaska).

Sumali ang team sa two-import na PBA Centennial Cup (at nagtapos ng huli), at naglaro ng  exhibition game laban sa Chinese national team at isang selection ng non-national team PBA All-Stars. Nagkampeon ang grupo sa 21st William Jones Cup International Basketball Tournament sa Taiwan at dumaan sa mabibigat na laban sa US. Pumangatlo tayo sa Asian Games nang talunin natin ang Kazakhstan.

Noong 2002, napakasakit ng karanasan natin bago dumating sa Asian Games sa Busan, South Korea. Inatake si coach Ron Jacobs, at pinalitan ni Jong Uichico. Player sila Noy Castillo (Purefoods), Olsen Racela (San Miguel Beer), Dondon Hontiveros (San Miguel Beer), Dennis Espino (Sta. Lucia), Mick Pennisi (Red Bull), Eric Menk (Ginebra), Danny Ildefonso (San Miguel Beer), Andy Seigle (Purefoods), Jeff Cariaso (Coca-Cola), Rudy Hatfield (Coca-Cola), Asi Taulava (Talk ‘N Text), at Kenneth Duremdes (Alaska).

Natsambahan tayo ng isang buzzer-beater na three-pointer ni Lee Sang Min sa semifinals. At sa laban para sa tanso, tinalo tayo ng Kazakhstan. Nalimutan din ng mga tao na hindi nakapaglaro sina Danny Seigle at Jimmy Alapag dahil sa injury.

Ang kasalukuyang national team ay wala pang napapatunayan, subalit, sa pamumuno ni coach Chot Reyes, ay malaki ang kailangang patunayan. Binubuo ito nina Jimmy Alapag, Asi Taulava at Renren Ritualo ng Talk ‘N Text, Danny Seigle at Dondon Hontiveros ng San Miguel Beer, Jayjay Helterbrand at Mark Caguioa ng Ginebra, Tony dela Cruz ng Alaska, Ranidel de Ocampo ng Air21, Kerby Raymundo ng Purefoods, at Mick Pennisi ng Red Bull.

Sa Huwebes, susuriin natin kung alin sa kanila ang pinakamalakas na koponan sa lahat.

vuukle comment

ALLAN CAIDIC

ALVIN PATRIMONIO

BEER

MIGUEL

PUREFOODS

SAN

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with