Ang amateur basketball ay sa mga amateur...Wala Nang Iba!

Alam na alam ng mga nakakaalam sa basketball kung bakit sa mga nakalipas na panahon ay napag-iwanan na tayo sa basketball.

Kapag tinanong mo ang mga nakakaalam sa tunay na estado ng basketball dito sa ating bansa, alam nila kung ano ang tunay na dahilan sa nakapanlulumong pagbagsak ng basketball sa ating bansa.

Yan ay isang bagay na hindi mapapasubalian at kahit na sinu-sino pang tao ang ituro natin, scapegoat na lang yan at tinitiyak ko sa inyo, hinding-hindi yan ang may kasalanan. The sooner we ACCEPT the reality on what really causes the downfall of basketball in this country, the better for all concerned, mapaBAP man yan o SBP.
* * *
Taon-taon na lang for the past years, yan ang istorya ng basketball sa ating bansa. Sisikat ang isang player, mamayani sa NCAA o sa UAAP, at maya-maya pa’y nasa national team na ‘yan at iniidolo na ng mga Pinoy.

But just as quickly, hindi ka na magugulat at naka-apply na yan for drafting at eventually, professional player na siya.

Sa pagdagsa ng mga magagaling na national team players pa-akyat sa pro ranks, bagsak na naman agad ang national team. Hindi pa man nag-iinit , hayun, nasa proranks na agad at gumagawa na ng pera.

Ngayon, kailangan pa ba nating magtanong kung bakit hindi tayo makakagawa ng isang malakas na national team?
* * *
Yan ang kailangang bigyan ng solusyon ng ating magigiting na basketball leaders. Paano mapapanatili sa national team ang isang magaling na player sa loob ng maraming taon? Tutuong tutuo yan at walang sinumang dapat sisihin kapag nangarap na ang isang basketball player na magkamit ng malaking pera, bagong bahay at bagong kotse at bagong buhay simply by making himself a PBA player.

Pangarap yan ng bawat isang player, lalo na yung mga kapuspalad na players na ang pamilya ay isang kahig, isang tuka at hindi malaman kung paano palalagpasin ang isang araw. Ngayon, narito ang dapat na bigyan ng solusyon ng mga leaders natin–paano ba natin pipigilan ang isang magaling na amateur player na huwag magmadaling umakyat patungo sa pro ranks at manatili muna ng maraming taon bilang amateur player?

Yan, yan, yan!. Kapag nasolve yan, tiyak na hindi na tayo kakapusin ng mga amateur players na magagaling para sa national team, sa SEA Games, sa Asian Games, sa Jones Cup, at oo, sa Olympics.
* * *
Mahirap bang bigyan ‘yan ng solusyon?

Hinding-hindi po. Eto ang kailangan lang nilang gawin: humingi ng pinansiyal na suporta kay Danding Cojuangco, John Gokongwei, Henry Sy, Lucio Tan, sa San Miguel Corporation, sa PAGCOR, sa PCSO, at ilang pang libong mayayamang nilalang na sobra-sobra na ang pera.

Natitiyak ko, hinding-hindi magmamaramot ang mga yan. Pagsamahin ang lahat ng pera na ibibigay nila at ilagay sa pondo ng national eam.

Ibigay sa mga magagaling na players ang kailangan nila--pagkain, kotse, bahay, pera.

Pag meron na sila nyan, maniwala ka–hindi na mag-iisip umakyat yan sa PBA.
* * *
Ang amateur basketball ay pang-amateur lang.

Ang national team ay pang-amateur lang dapat.

Hindi na dapat pa pinakikialaman ng iba.
* * *
Personal: Congratulations sa kaibigan naming si Christian Guevarra na naggraduate na kahapon mula sa Mapua sa kursong Civil Engineering. Si Christian ay dating player ng MIT Cardinals at ng Welcoat Paints at Toyota sa PBL. Nagquit siya pansamantala sa basketball para lang magtapos sa kanyang kurso.

Kakaunti ang ganyang klase ng basketball players.

Show comments