Prinsipe ng Brunei lalaban kay Bustamante

Makikipagtagisan ng galing si Prince Muhtahdee Billah ng Brunei kay Francisco ‘Django’ Bustamante at dalawa pang ibang players sa Group 10 ng 2006 World Pool Championship sa Nobyembre 4-12.

Ang 32 anyos na Crown Prince ay isa sa 188 players na kuwalipikado sa 128-man main draw ng torneo.

Sampung iba pang players ang pipiliin sa pamamagitan ng qualifiers isang linggo bago ang aktuwal na main tournament.

Ang iba pang miyembro ng Group 10 ay sina Charles Bryant ng United States at Darren Appleton ng England.

Sila ang may ranggong players sa kani-kanilang bansa.

Lumahok si Prince Billah noong nakaraang Southeast Asian Games sa Manila. Kasama ang kanyang ka-partner sa doubles, nakausad sila sa semis ng 8-ball doubles competition.

Siya ang first-born son at tagapagmana ng Sultan ng Brunei na si Sultan Hassanal Bolkiah at siya rin ang Senior Minister ng Office ng Prime Minister.

Show comments