^

PSN Palaro

Ariba Django!

-
Patuloy ang pananalasa ni Francisco ‘Django’ Bustamante, nang iposte nito ang kanyang ikatlong sunod na sweep sa group competitions at manguna sa Group 66 upang hatakin ang anim pang Pinoy patungo sa ikaapat na round ng IPT World Open 8-ball Championship sa Grand Sierra Resort and Casino sa Reno, Nevada noong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Naglista ng tatlong panalo at isang talo si Efren ‘Bata’ Reyes at makausad din sa susunod na yugto ng $3 million event gayundin sina dating world 9-ball champion Alex Pagulayan, Dennis Orcollo, Antonio Lining, US-based pool legend Jose Parica at Ronnie Alcano, ang tanging Pinoy na may tatlong panalo at manguna sa Group 65.

Gayunpaman, hindi naman naging masuwerte sina Rodolfo Luat at Ramil Gallego nang matalo ito sa kanilang tatlong laban at isang panalo lamang ang maitala sa Group 68 at 69, ayon sa pagkakasunod.

Mag-uuwi sina Luat at Gallego ng halagang $15,000 (P750,000) at iwan ang Philippines na may pitong panlaban sa ikaapat na round.

Ang mga nakalusot ay hahatiin sa anim na grupo na may tig-anim na players at ang top three din ang aabante sa susunod na antas. Ang hindi makakapasok ay magbubulsa naman ng $25,000.

Habang ang Philippines ay may pitong manlalarong nakapasok sa last 36, ang Amerika naman ay may siyam na pinamumunuan nina Corey Deuel, Nick Varner at Jason Kirkwood, at itakda ang posibleng RP-US clash kasunod ng World Cup duel na napagwagian ng mga Filipinos, 13-5, sa tambalan nina Bustamante at Reyes.

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

ANTONIO LINING

BUSTAMANTE

COREY DEUEL

DENNIS ORCOLLO

GRAND SIERRA RESORT AND CASINO

JASON KIRKWOOD

JOSE PARICA

NICK VARNER

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with