^

PSN Palaro

MANNY, MANNY, MANNY!!!

-
LAS VEGAS -- Sa pagkakataong ito, basag ang mukha ni Erik Morales at hindi ang kay Manny Pacquiao.

Sa paghihiganti ng kanyang pagkatalo laban sa Mexicano noong Mar-so 2005, na-knockout ni Pacquiao si Morales sa ika-10th round ng kani-lang 12-round bout noong Sabado na nagbigay sa milyun-milyong mga Pinoy ng dahilan para magdi-wang.

Di gaya ng kani-lang nau-nang laban mas mala-lakas ang suntok na pinatama ng Pinoy pug nang dala-wang beses niyang napa-bagsak sa lona si Morales sa 10th round para mata-pos ng maaga ang laban.

Ito ang unang pagka-kataong na-knockout si Morales sa kanyang career sanhi ng kanyang 48-wins, ngayon ay apat na loss at 0-draw habang lalo namang gumanda ang record ni Pacquiao na mayroon nang 41-wins, 3-loss at 1-draw at ngayon ay may 32 nang knockouts.

Malalakas na body shots sa ulo sa mga unang rounds ang nagpahina kay Morales na hindi na nakatagal pa sa laban.

Isinuot ni Pacquiao ang tamang gloves sa pagka-kataong ito -- ang Cleto na mas kilala sa boxing bilang ‘puncher’s gloves.’

Mas pinili ni Morales ang Winning brand na ini-larawan ng trainer ni Pac-quiao na si Freddie Roach na parang una dahil sa mas makapal nitong padding.

Inamin ni Pacquiao na nakatulong sa kan-ya ang gloves. "Gan-yan talaga ang Cleto. Uunti-unti-in ka sa sakit."

Umiiskor din pamin-san-minsan si Morales na ininda rin ng Pinoy ngunit sa tuwing tatamaan si Pacquiao ay inaasar pa niya si Morales.

Isang solid left straight ni Pacquiao kay Morales sa ulo ang nagpabagsak sa Tijuana native sa neutral corner. Nakatayo ito habang nagbibilang pa si referee Kenny Bayless ngunit nasundan pa ito ng Pacman upang tuluyang pabagsakin si El Terible.

Nang bumagsak ito sa canvass sa ikalawang pagkakataon, malinaw nang hindi na siya maka-katayo at hindi na nagbi-lang ang referee na iwina-wagayway ang kamay hudyat ng pagtigil ng la-ban, 2:33 ang oras sa 10th round.

Nagsimula ang sele-brasyon sa ring ng kampo ni Pacquiao habang nan-doon pa si Morales na bini-bigyang lunas ng kanyang cornerman at ring physician at matagal pa bago ito nakatayo.

May 14,618 katao ang nanood sa Thomas and Mack Center para panoo-rin ang rematch.

Nagpunta sa isang club si Pacquiao kasa-ma ang mga kaibigan para ipagdiwang ang kanyang panalo. (Ulat ni ABAC CORDERO)

vuukle comment

CLETO

EL TERIBLE

ERIK MORALES

FREDDIE ROACH

KENNY BAYLESS

MORALES

PACQUIAO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with