Ramos katuwang na ni Banal sa TnT

Muling magkakasama na sina Joel Banal at Bong Ramos matapos ang matagal na panahon na nagkasama sa Mapua Cardinals sa NCAA.

Kahapon, pumirma ng kontrata si Ramos, nag-resign na coach ng FedEx Express, sa Talk N Text bilang assistant coach ni Banal.

"Paano mo tatanggi-han ang taong nagbigay sa iyo ng oportunidad na maging coach?" tanging nasabi ni Ramos sa kan-yang pagtanggap sa ba-gong posisyon.

Si Ramos ay dating assistant din ni Banal sa Mapua Cardinals sa NCAA bago ito nag-coach sa Indonesia.

Nagsilbing coach ng Express si Ramos sa loob ng anim na buwan at kamakailan lamang ay nagbitiw ito dahil sa hindi nito kayang masunod ang policy ng koponan na gamitin ang lahat ng players sa bawat laro. (DMVillena)

Show comments