Umaatikabong San Sebastian vs La Salle

Nahaharap sa mabigat na pagsubok ang San Sebastian ngayon sa kanilang pakikipagharap sa pinapaborang La Salle, at umasang mapanatili ang kanilang natata-nging streak sa pagpapatuloy ng 2005 Shakey’s V-League first conference sa Rizal Memorial Coliseum.

Magaan ang pakiram-dam bunga ng kanilang apat na sunod na panalo kabilang ang laban sa defending champion University of Santo Tomas, buong puwersang haharapin ng Lady Stags ang La Salle na umaasam din na mapalawig ang kanilang pananalasa sa event na ito na hatid ng Shakey’s Pizza.

Ang opensa ang panlaban ng Lady Stags na trinangkuhan ng solidong tambalan nina Cherry Rose Macatangay at Jennifer Bohawe kontra sa kalaban sa liga na suportado ng Accel, Mika-sa, IBC 13 at Jemah Television.

Ang laban ng dalawang bigating team ay sa ganap na alas-5 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng Far Eastern University at Ateneo sa alas-3 ng hapon.

Ang highlights ng laban ngayon ay mapapanood bukas sa IBC-13 simula sa alas-7 ng gabi.

Show comments