^

PSN Palaro

Paint Masters taob sa Knights

-
Isang malaking kabiguan ang ipinalasap ng Toyota Otis-Letran sa Welcoat Paints nang sorpresahin sila ng Knights, 80-66 kahapon sa pagpapatuloy ng PBL Unity Cup sa Pasig Sports Center.

Nagsimulang mag-init ang Toyota Knights sa ikaapat na yugto ng laro nang kumamada sina Mark Macapagal at Emerson Oreta para sa 16-1 pananalasa para tuluyang maka-eskapo sa mahigpit na hamon ng Welcoat.

Lalong tumatag ang Toyota nang magpakawala sila ng sunod sunod na basket sa three point line at walang pinalampas si Macapagal na nagtala ng 20 puntos para sa kanyang koponan gayundin si Oreta na naglista naman ng 8 puntos kabilang na ang basket na nagbigay sa Knights ng 70-55 abante may 7:43 pa ang nalalabi sa laro.

Dahil sa panalo, iniangat ng Knights ang kanilang standing sa 5-3 win-loss card at pag-asang makakuha ng awtomatikong semis habang bahagyang lumiit ang tsansa ng Welcoat sa isa sa dalawang awtoma-tikong upuan sa semis bunga ng kanilang kabiguan at nagdala sa kanila sa 6-2 karta.

Sa naunang laro, pumukol si Wynsjohn Te ng tres at itala ang ikalawang panalo ng Bacchus Energy Drinks sa pamamagitan ng 69-65 tagumpay laban sa NENACO-San Beda College.

Walang takot na ipinukol ni Te ang bola sa three point area may 51.7 segundo na lamang ang nalalabi para sa kanilang ikalawang panalo sa walong asignatura. (Ulat ni Raquel Reyes)

vuukle comment

EMERSON ORETA

MARK MACAPAGAL

PASIG SPORTS CENTER

RAQUEL REYES

SAN BEDA COLLEGE

TOYOTA KNIGHTS

TOYOTA OTIS-LETRAN

UNITY CUP

WELCOAT

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with