^

PSN Palaro

United Regional Basketball League: M. Lhuillier vs Ilocis Sur sa championship

-
Isang kapana-panabik na laro ang nagsara sa semifinals ng United Regional Basketball League, nang itakda ng M. Lhuillier at Ilocos Sur Snipers ang championship showdown para sa kauna-unahang titulo sa URBL sa New Cebu City Coliseum.

Sinorpresa ng Harbour Centre-Pampanga ang Quezon Huskers, 91-86 na tuluyang kumitil sa pag-asa ng Huskers na makapasok sa finals at nagbigay naman ng magandang pamamaalam sa Capampangans sa torneong hatid ng Lactovitale at Adidas sa kooperasyon ng mga kapartner na hotel ng URBL na Castle Peak, Holiday Plaza Hotel at Mango Park Hotel.

Ang nabaligtad na pangyayaring ito ang nagbigay sa Ilocos Sur at M. Lhuillier na mag-unahan para sa No. 1 posisyon kung saan kinaila-ngang manalo ng Jewelers ng 10 puntos o higit pa para sa No. 1 spot.

Halos abot-kamay na nila ito nang agad umabante ang Jewelers ng 21 puntos sa tatlong naunang quarter, nang nagrelaks ang mga bataan ni coach Yayoy Alcoseba na sinamantala ng Snipers upang makabangon at nilimita sa anim na puntos na panalo ang Lhuillier, 74-68 para maipreserba ang No. 1 spot.

Ang Game One ng best-of-five championship series sa pagitan ng Ilocos Sur Snipers at M. Lhuillier ay pansamantalang nakatakda sa Biyernes (Disyembre 10) ganap na alas-6 ng gabi sa Santo Domingo People’s Center.

Bago ito, maghaharap naman ang Harbour Centre-Pampanga at Quezon Huskers sa sudden-death knockout match para sa ikatlong puwesto sa ganap na alas-4 ng hapon.

Pinamunuan ni Jerome Barbosa ang Snipers sa kanyang double-double performance 20 pts. at 10 rebounds.

vuukle comment

ANG GAME ONE

CASTLE PEAK

HARBOUR CENTRE-PAMPANGA

HOLIDAY PLAZA HOTEL

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR SNIPERS

JEROME BARBOSA

LHUILLIER

MANGO PARK HOTEL

QUEZON HUSKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with