^

PSN Palaro

Tatlong taon ng tuwa

Game Na ! - Bill Velasco -
Tatlong taon na ang programang The Basketball Show. Parang panaginip na nagtagal kami ng ganito. Ngayon, napapanood kami sa ilang bansa, at may bago kaming ta-hanan sa ABC 5.

Marami rin kaming pinagdaanang paghihirap, lalo na noong umpisa. Noon, walang naniwala na pwedeng pag-isahin ang lahat ng liga sa iisang programa.

Hindi ba kakapusin ng materyales?

Sa tutoo lang, sobra-sobra ang materyales namin bawat linggo. Ang ikinaliligaya namin ng lubusan ay ang paglilingkod. Marami na rin kaming dinamayan, tinulungan.

Nakiiyak kami kay Asi Taulava nang mawalay siya sa kanyang maybahay na nagdadalang-tao.

Lumuha kami nang isa-isang mawala ang apat na team na hawak ni coach Boycie Zamar.

Binilang namin ang araw bago makabalik sa paglalaro sina Eric Menk, BJ Manalo, Danny Seigle, Jimmy Alapag at Johnny Abarrientos. Sinabayan namin ang pag-akyat-baba ng De La Salle, Ateneo, FEU, UE, College of St. Be-nilde at marami pang iba.

Pinakilala namin kayo sa mga bumbero, pari, negosyante, DJ, may kapansanan, unano, bata at matatanda na di mapigilan ang paglalaro sa basketbol.

Naging saksi kami sa mga imbestigasyon ng lehislatura sa droga at pekeng Fil-Am sa basketbol.

At may mga sikreto kaming nalaman na di pa maaaring ibunyag.

Pinalad din kaming suyurin ang Pilipinas sa pagsunod sa larong minamahal.

Nadayo na namin ang General Santos, Cagayan de Oro, Davao, Iloilo, Bacolod, Cebu, Boracay, Laguna, Ba-tangas, Cavite, Pampanga,Tarlac, Baguio at iba pa.

Napadpad na rin kami sa Amerika. Nakapanayam ang NBA All-Star na si Tracy McGrady, Most Improved Player na si Gilbert Arenas at Detlef Schrempf.

Maraming alaala, sa napakaikling panahon.

Libo na ang aming naging kaibigan, milyon ang naging kakampi. Mamayang alas-3:30 ng hapon, magkakaroon kami ng "grand chat" kasama ang aming e-group.

Maaari kayong sumali sa http://groups.yahoo.com/group/thebasketballshow.

Hayaan ninyong makapagpasalamat kami sa inyo ng taos-puso.

vuukle comment

ASI TAULAVA

BASKETBALL SHOW

BOYCIE ZAMAR

COLLEGE OF ST. BE

DANNY SEIGLE

DE LA SALLE

DETLEF SCHREMPF

ERIC MENK

GENERAL SANTOS

KAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with