^

PSN Palaro

San Miguel Asian 9-Ball Tour: Reyes,liyamado sa Manila leg

-
Muling bibigyan kasiyahan ni Efren ‘Bata’ Reyes ang mga kababa-yang fans sa muling pagpapakitang gilas nito sa San Miguel Asian 9-Ball Tour.

Noong nakaraang taon, binigyan kasiyahan ni Reyes ang mga Pinoy at binigyan ng alaalang ipagmalaki siya makaraang gapiin ang kaba-bayang si Warren Kiamco sa kanilang laban na ginanap sa Pearl Plaza sa Baclaran noong nakaraang taon.

Eksaktong isang taon, muling ipapamalas ng pangunahing cue artist ng bansa ang kanyang husay at galing sa mesa sa harap ng inaasahang sellout crowd, sa Robinson’s Galleria kung saan susubukan si Reyes at maging at ang ibang cue master sa star-studded field sa final edition ng mayamang Asian 9-ball circuit sa Mayo 29.

Pero isa lang ang sigurado, paborito si Reyes na maghahari sa nalalapit na event kung saan kumpiyansa din siya na maibubulsa ang huling yugto ng $25,000 4-legs nation-hopping circuit na itina-taguyod ng San Miguel Beer.

At hawak ang pamumuno na may 250 rankin points sa Order of Merit at may $33,000 naiipon, nakasiguro na si Reyes ng puwesto sa World Pool Championships na nakatakda sa July 10-18 sa Taiwan kung saan tutumbukin nito ang kanyang ikalawang korona matapos maghari noong 1999 edition sa Cardiff, Wales.

Sa katunayan, ang palakaibigang taga-Angeles City ace ay dina-down play ang kanyang tsansa kada torneong sinasalihan, lalo na matapos mabigo kay Yang Ching Shun ng Taiwan sa semifinal round sa Hong Kong na pumigil sa kanyang back-to-back run sa naunang dalawang yugto ng circuit na inorganisa ng ESPN STAR Sports‚ Event Management Group sa Singapore at Vietnam.

"Medyo may edad na tayo at hindi na ganun ka-sharp ang laro ko tulad noong araw," pakumbaba ni Reyes, na magdiriwang ng kanyang golden year sa Agosto. "Pero minsan binibuwenas pa rin at nakakatikim pa rin ng panalo."

vuukle comment

ANGELES CITY

BALL TOUR

EVENT MANAGEMENT GROUP

HONG KONG

ORDER OF MERIT

PEARL PLAZA

PERO

REYES

SAN MIGUEL ASIAN

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with